Maayos naman na nabuksan ang painting exhibit ni Thav Savann. Natuwa rin ang lahat sa fashion show ko at ni Eric Raisina. Marami ang nagpakuha ng litrato sa aming Christmas tree. Gawa ito ni Riem, yung sold-out ko na artist, pero sa akin yung concept. Masaya ang lahat lalung-lalo na ang aking boss na parang panahon ang ugali. Bading kasi. Medyo sanay naman ako sa pamamalakad at trip nya kaya lang kahapon lahat kami ng mga kasamahan ko dito sa trabaho eh napansin namin na medyo OA na yata. Marami syang nakikitang mga maliliit na bagay na sa akin lang eh hindi na dapat pang pansinin. Sa kanyang ka-oa-han eh sinulatan nya yung isang pahayagan dito na gumawa ng press release para sa amin tungkol sa kanyang di pagsang-ayun sa 'negatibong' tono ng nag-akda. Di nya kasi naintindihan pero kung himay-himayin mo yung pagkasulat eh maayos naman. Positibo pa nga. Sa akin lang eh di na nga kami magkandaugaga sa preparasyon eh may panahon pa talaga syang magtaray sa mga bagay na di naman importante. Ewan ko ba baka kulang lang sya ng Botox kaya ganun. Oh baka naapektuhan na nga ang utak nya ng anesthesia. Salamat na lang sa Diyos at maraming tao ang pumunta. Sabi nya sa akin di raw kami nag-imbita ng tao kasi nung hapon eh may kaibigan syang walang alam sa event. Wala daw pupunta. Napaka-nega nya talaga! Di rin nya pinirmahan ang budget para sa pag-ayos ng mga modelo. Di ba, asan ka nakakita ng fashion show na walang nag-aayos sa mga modelo? Pero ang nakakatawa eh nung matapos na ang lahat, nakita na nya na natuwa ang mga bisita, at yung asawa ng may-ari ng hotel eh bilib na bilib sa kanya, parang nakalimutan na rin nya yung mga bagay na buong araw nyang pinupuna. Leche nya, ang hirap kaya ng ginawa namin tapos sya lang ang pupurihin!
May mga Zobel, Huang at isa pang prominenteng pamilya sa Pinas ang dumalo kagabi. Sinabihan ako ng Sales Manager namin kung gusto ko ba daw silang i-meet. Ang sagot ko, 'Bakit?', sabay taas ng isang kilay.
Wala lang, gusto ko lang magkwento.
No comments:
Post a Comment