Hmmm...yes, medyo busy ako na parang hindi rin.
Keri lang in other words. House party dito ngayon sa bahay at ang bisita namin ay ang mga sumali sa Angkor Photo Festival na maniniyot ng Pilipinas. Sina Carla Mendoza, John Javellana, Akira Liwanag, Candice Reyes, Sarah Encabo, at John Custodio. Nakakatuwa sila. Pagkatapos ng aming hapunan na pinagsaluhan - herbed pink salmon, olives&feta salad, couscous with crabs and vegetables, inihaw na manok at dragon fruit, ay umakyat kami sa opisina ni Loven upang mag-relax habang umiinom ng Bailey's, white wine at vodka na hinaluan ng Sprite.
Syempre pa dahil naturingang mga taga-kuha ng piktyurs ang kasama namin eh di nagtagal eh nagkukuhaan na ng litrato. Una yung mug shot effect. Iba-iba kaming karakter na ginampanan. Ako mortician, yung iba terorista at yung iba pa ay porn star. Basta, may mga costumes pa at aksesorya na ginamit. Saka ko na ipapakita kasi gusto kong black&white ang kulay nito.
Yung sumunod na theme eh parang light effects ala Nick Knight. Yung tipong may ilaw na naguguhit sa imahe. Pwede nga may pangalan mo, eh. Di ko maipaliwanag ang teknikal na pamamaraan pero di naman kasi ako maniniyot.
Nakakatawa at nakakatuwa silang kasama!
O, balik na tayo pala dun sa drama kong busy-busyhan ako.
Oo nga pala, may show ako sa Desyembre 4. Bubuksan ang susunod na eksibisyon ng pintor na isang Franco-Khmer. Para mas bongga eh magpapakita ako at ang isang Franco-Madagascan na aming mga desinyong damit. Mabuti na nga lang e nag-umpisa na akong gumawa ng kung anu-anung mga damit. Kasi na rin si Loven e kinulit akong subukan ang tagagawa nya ng print na tauhan. Tamad ko kasi minsan. Aba nakakatuwa naman ang resulta. Kaya ayun, busy-busyhan nga.
Sa isang banda e may mga personal na bagay ring akong tinatapos. Sabihin na nating racket ito. Ayoko na munang banggitin dito. Baka kasi malasin.
Hmmm...mga bagay pa na baka makalimutan kong banggitin:
1. Nagpunta si Kitty Go sa gallery. Ang chica nya. Matagal na yun pero nagyun ko lang naalala. Sya yung sumulat ng 'When Chic Hits the Fan' na thinly-veiled tell-all ng mga buhay ng mayayaman at sikat sa Pilipinas.
2. May dadating na mga importanteng tao galing Pilipinas na di ko lubos maisip na makikilala ko. Tipong may mga daan sa atin na ipinangalan lang naman sa pamilya nila. Ang plano pa ni Loven e magho-host sya ng hapunan para sa kanila.
3. Malungkot ako ngayung araw kasi di ko nakuha ang gusto kong Ann Demeulemeester na polo.
4. ...
Eto yung ilaw-ilaw shoot namin:
moi. Aminin, ang fierce ko!
Carla
Loven
Sarah
Akira
Charles
John
Candice
Vincent
Halata bang lasing ako?
10 comments:
Ang ganda ng Ilaw Ilaw effect. Parang ABS-CBN Christmas ID. Tse!
winner.
hmmm di kita inisnab noh.. ang dami din lang ato nun teh pasensia!
so kunin mo na din akong model choz! haha
ilaw model nlng?
pnu nio to naachiv?
don, we're editing the mugshots na! hehehe
fierce indeed.
pero di ba ito yung parang japanese mtv mode nila... na napakawinner?
i'm not pleased. di ka fierce enough. in fact i'm disappointed. ang tagal kitang i-train just to do fierce. but you gave me deranged instead.
lyka - wala kaming TFC dito so di ko alam ang pinagsasabi mo. Wala na bang ibang channel dyan sa inyo at ABS-CBN lang? tse!
{G} - kailangang may braket talaga ang name?
J - Tse! Inuna mo pa ang iba kesa sa akin. Tsaka you're not fierce enough. Magworkshop ka muna kay Kawadjan.
spool - asan na?! :) dali!
k - wala din akong japanese mtv dito. cambodia po ako. tse!
Kawadjan - Hoy bruha mahirap kaya ang deranged look na natural kasi di yan nakukuha kung di ka talaga truly deranged.
hahaha... ang saya ng photos... at nanibago ako nang slight dahil nag-taglish ka daw all of a sudden...
nyaha john custodio? :P senglot ka nga nung tinayp mo 'to. :P pero ye, fierce! layk that!
btw, candice here! :)
Post a Comment