So yun na nga, I didn't attend Gibo's birthday. Mahaba ang istorya kung i-explain ko pa kung bakit basta alam ko pauwi na sila ng mag-text ako kung pwede pa bang humabol. It was a Sunday ang birthday party pero actually Monday talaga ang birthday nya. Di pa yata alas-dose eh nagsiuwian na ang kanyang mga bisita. Marami daw pumuntang mga bloggers.
Kebs.
Anyway, nagtampo bigtime si Gibo sa akin.
'Honey, I really wanted to be there for you but then I was really tied up with work.'
'Tse', sagot nya.
I asked him to have lunch with me at Cibo, my treat. Buti naman naintindihan ni Gibo ang situation ko. Isa pa I was in SMX, sila sa Quezon City. Kailangan ko pa yata ng passport para pumunta doon. He agreed to have lunch with me pero syempre pinahirapan nya muna ako.
Nagmeet nga kami sa Cibo. It's such a good thing kasi na-solo ko sya and syempre marami syang kwento. At yun nga birthday nya talaga that Monday.
Naku napaka-juicy ng mga kwento nya. Kung pwede ko lang sanang i-tsika rin dito pero I know and you know na may mga lurkers dito sa blog ko na makakati rin ang dila kaya wag na!
And that's the thing with Gibo. Wala syang concept ng diet dahil he loves food. Whereas, Kawadjan would feign desdain over something remotely carbs, kahit pa gum lang ito, si Gibo naman is all for food trip. Kaladkarin kasi ako so when Im with Gibo super eat ako. When I'm with Kawadjan eh daig pa namin ang Death March from Bataan.
Deliciousness ang Tiramisu ni Margarita Fores! It has been my fave for so many years.
Although pareho kaming lahat na splurge sa gamit. Mahilig kaming magshopping! Dun kami bonding na tatlo and our love for traveling. Basta iba kasama si Gibo at Kawadjan. I'm so happy na supermega friends ko sila.
And speaking of shopping, na-late lang ako ng 15 minutes eh nakabili na si Gibo ng sapatos sa Zara. Maganda. Bagay sa white button down shirt and jeans nya. I guess he was aiming for that haciendera/Ting Ting Cojuangco look. It comes with age naman kasi when nahihilig ka na talaga sa mga matronics look pero in fairness kay Gibo ang effect eh Mikee Cojuangco naman. Iba nga naman talaga nagagawa ng Lab Series. May embalming effect. Masubukan nga yan.
6 comments:
pumayat yata ang fingers ni gibo ha. pero honey... yes, you two.. do yourselves a bleeding favor... stop stuffing your mouth with all that sugar! it's giving me nightmares.
anyway, great choice on the shoes, gibo.
p.s.
don, this post is hilarious!!!
Embalming effect? How dare you sis! Ave Maria Purisima, Consificado, Consumida.
luka luka ka talaga donita! pero winner ang post na ito and i must say wagi ang lunch na yun. salamas.
we should travel together again!!!
ps
it's not embalming honey, it is called mummification.
shet ang gwapo ni gibo!
ay wala pala pics... pero wag naman embalming. so cruel. how about madame auring-ification?
super ingat talaga si gibo sa pagpapakita ng fez... parang si mandaya moore... bongga ang shoeses, by the way...
k - we can't help but stuff our mouths with sugar, among other things. hahaha!
b - hahahaha! mummification nga sabi ni gibo. iba ang orasyon nyan sa book of the dead.
g - the mummy returns!
kiel - galit ka yata kay g? madame auring? ewwwww
zb - requested ang cropping na yan.
Post a Comment